SHORT BIOGRAPHICAL INFORMATION IN ENGLISH
Teo Baylen was born in Noveleta, Cavite, in 1904. The timeliness and timelessness of his work is attested to by such awards as the Cultural Heritage (1962-1963), the Palanca (1965, 1972), and the U.N. (1965). The symbols Pinsel at Pamansing (Brush and Fish Hook), the title of his 1967 poetry collection, suggest his method and his aim. His imagery is Biblical — of caves, wells, pastures, lambs, altars — and his goal is to point out (like T.S. Eliot) that our so-called modern civilization with its godless “isms” has succeeded only in creating a Frankenstinian monster.
TAGALOG TRANSLATION OF BIOGRAPHY
Si Teo Baylen ay ipinanganak sa Nobeleta, Kabite, noong 1904. Ang pagiging nasa panahon at laging nasa panahon ng mga akda niya ay mapatutunayan ng mga karangalang tinanggap niya tulad ng sa Cultural Heritage (1962-63), ng sa Palanca (1965, 1972), at ng sa U.N. (1965). Ang simbolong Pinsel at Pamansing (pamagat din ng kalipunan ng kanyang mga tula, 1967) ay nagpapahiwatig ng kanyang pamamaraan at layunin. Ang kanyang mga larawang-diwa ay hango sa Bibliya — mga kuweba, balon, pastulan, tupa, dambana — at ang kanyang layunin ay maipakita (tulad ni T.S. Eliot) na ang tinatawag na makabagong kabihasnan at ng walang-Diyos na ismo niyon ay nagtagumpay lamang sa pagbuo ng isang mala-Prankenstaing halimaw.
TAGALOG POETRY BY TEO S. BAYLEN:
Mga Sugat ng Siglo (Wounds of the Century)
Poetry collections: Tinig ng Darating, Pinsel at Pamansing, Kalabaw at Buffalo, RX
No comments:
Post a Comment